Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Enero 2, 2012

Awiting Magkabilaan ni Joey Ayala

Ang Panitikan at Lipunan
                 
            Mapapansin sa mga lyrics ng kanta ni Joey Ayala na pinamagatang Magkabilaan ang sandamakmak na binary opposition. Tulad ng Mali at Tama, Puti at Itim, Liwanag at Dilim, Ibabaw at Ibaba, Tubig at Apoy, Lupa at Langit, Araw at Gabi, Lamig at Init, Malakas at Mahina, Kahirapan at Kasaganaan, Kaliwa at Kanan, etc. Gumamit din ito ng mga teorya tulad ng Realismo sapagkat sinasalamin o ipinapakita nito ang mga tunay na kaganapan sa buhay ng tao pati na rin sa lipunan at marami pang iba. 
            Ipinapahayag ng kanta ang katotohanang nangyayari sa ating paligid. Gaya ng lyrics sa unang stanza na lahat ng tama para sa atin ay maaaring mali para sa ibang tao. Ang may puti at itim ay tumutukoy sa kabutihan at kasamaang nabubuhay sa lipunan gayundin ang liwanag at dilim. Sumunod ay ang pagkakaroon ng ‘hierarchy’ o pagkakaroon ng mga mayayaman at mahihirap. Ang tubig ay pagkasilang at apoy ay pagkamatay gayundin ang lupa ay sa langit at araw ay sa gabi. Ang paghihirap ng ilan nating kababayan ay nagreresulta ng pagyaman pa lalo ng mayayaman. Ang mga naghahanap-buhay pa ang mga ‘iyon’ na naghihikahos sa buhay. Ang mga normal na tao ay mas malayang gawin ang gusto nila kaysa sa iba at may mga hindi pa sigurado sa sarili nila at hinahanap kung ano talaga ang nais nila sa buhay. At puno ng labanan ang ating lipunan maaaring sa politika, sa prinsipyo, sa paggawa ng mabuti at masama, etc. Nasa ating mga kamay ang desisyon at ang ating kapalaran. Higit sa lahat nais na ni Joey na ibahin ang ganitong sistema at sinasabi niya sa atin na huwag na tayo ‘magpadala sa agos’ at tumindig na tayo at ipaglaban ang tama. 
Ang kantang ito para sa akin ay parang sinadyang lagyan ng mga lihim na ibig sabihin o maaari mo siyang maintindihan kung gagamitan siya ng Deconstruction. Sa pamamagitan ng Musika ay nagawa niyang ipahayag ang mensahe ni Joey sa ating lipunan. Ang kantang ito ay hindi lang masining ito din ay inspirasyonal dahil sa sarili nitong paraan ay pinapalawak nito ang ating isip, ang ating pananaw. Naniniwala ako na ang pinakamagandang kanta ay iyong mga pinag-iisip ka. Nagagawa ni Joey na gawing ispesyal ang mga simpleng bagay at sinasabi niya na ang mga simpleng bagay ay hindi talaga simple kung aanalisahin at pag-iisipan natin itong mabuti. Sa lyrics nang kanta na Magkabilaan ang mundo mapapansin na pinagkonekta niya ang mga simleng bagay sa ating mundo na nagbubunyag ng relasyon ng panitikan sa lipunan.
            Ang ating buhay ay parang lobo na pinupuno ng panitikan ito ang ating inspirasyon na nagpapalipad sa ating lobo o nagpapagaan sa ating kaluluwa at nagpapataas ng ating pagkamalikhain na nagbubulgar ng ating pagka-indibidwal. 






Sabado, Disyembre 31, 2011

Magugunaw na ba ang mundo?

                
               Ngayon na dumating na ang taong 2012 magugunaw na kaya ang mundo? Gaya nung sinasabi ng mga tao na sa Disyembre 21, 2012 ay katapusan na nating lahat. Gaya nung mga pinapalabas sa telebisyon. Gaya nung pelikulang 2012, End of the World, War of Worlds, etc. Ito na ba ang huling Bagong Taon natin? Hindi man ako naniniwala ngunit milyon-milyong tao ay salungat sa pananaw ko na tanging ang diyos lamang ang may alam kung kalian niya tayo hahatulan. Naniniwala sila sa prediksyon ng mga ‘Maya Priest’
                Ang mga banta at babala na ito ay makikita sa mga tindahan ng mga libro, sa mga ‘websites’, sa mga ‘museum exihibit’ at pati na rin sa mga ‘tourist promotion’. Ang industriya nga ng ‘global doomsday’ ay may pangalan pang ‘2012ology’. Madami nang naging prediksyon dati tulad ng noong Mayo daw ang paggunaw pero wala naming nangyari tapos nagging Oktubre naman kaya nawala ang paniniwala ko sa ganyan dahil na rin sa mga palpak na prediksyon at pananalig ko sa Diyos. Iyang palabas na 2012 na yan pinakita lang na sinabi ito ng mga Maya at sinabi na rin ng siyensya pero pinansin ba nila ang sinabi ng Diyos? 
                Hindi ba't ang Diyos lamang ang may alam kung kalian niya gugunawin ang mundo. Wala tayong karapatang pangunahan ang Diyos sapagkat tao lang tayo. 

Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Bakit kaya ganon?




                 Ang pagkakaintindi ng pasko ng karamihan sa atin ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Panahon kung saan salu-salo ang pamilya sa isang hapag. Panahon kung saan mga bata naman ang naghahanap-buhay (joke). Panahon kung saan Masaya ang lahat pero bakit parang kabaligtaran ang nangyari ngayon?
                Buong akala ko noong una ay normal na araw lamang ang magiging pasko namin yung tulad nung dati magmamano ka, kakain ka tapos bibigyan ka na ng Aguinaldo. Ganun lang. Kaya inagahan naming magkakapatid ang gising para ika nga ay ‘makarami’ kami. Pumunta kami sa bocaue syempre mataas ang tiwala ko dahil nandun ung apat kong ninang. Unang pinuntahan naming ay si Ninang Tess tulad nang dati nagmano ako sa kanya, tumulong pa nga ako sa pagbabalot ng mga regalo, tapos inabutan ako ng sinturon at iyon na daw ang regalo niya sakin. Ayos lang sana kaya lang hindi man lang niya binalot para magmukha namang regalo. Kinalimutan ko na lang ang inis ko dahil pupunta pa naman kami sa tatlo ko pang ninang. Tumungo kami sa compound at nagmano ako sa mga Tito at Tita ko para syempre sa kwarta at hinagilap ko ang mga Ninang ko. Awa naman ng Diyos ay hindi nila ko pinagtaguan. Binigyan ako ni Ninang Fely ng 1 isang daan at 5 bente kaya lang puro luma yung pera syempre pasko kaya inaasahan ko sana malulutong ang makukuha ko pero ayos na din kesa naman wala di ba? Tapos binigyan ako ni Ninang Lot ng 200 na malutong kaya sulit na din. Sumali rin kami ng Mama ko sa pinoy henyo maganda yung oras namin kaya akala ko kami na ang mananalo kasi dalawang grupo na yung natalo namin kaya lang nung panghuling grupo na ay tsaka pa natalo ung oras naming kaya badtrip 400 pa naman ang premyo, sayang! Pagkatapos ay nagtungo na kami kay Ninang Liza ang ‘last but not the least’ ika nga nila. Kaya lang natutulog siya noong abutan naming kaya nagsimba muna kami ni Mama. Madaling-madali kami kasi akala naming late na kami pagdating pa naming ay nagsusubo na ang pari ibig sabihin tapos na ang homely. Sayang na naman! Buti na lang may huling misa pa pala kaya lang maghihintay kami ng 30 minutos kaya pinatulan na namin. Pagkatapos ng misa ay bumalik na kami sa compound at nadagdagan ang ampao na dala ko. Hindi ko na babanggitin kung magkano. Isa lang masasabi ko habang tumatanda ka paliit nang paliit ang natatanggap mo hanggang sa susunod ikaw na ang magbibigay ng Aguinaldo. 
           Hindi lang ako nalungkot dahil ‘matumal ang benta’ ngayon pero dahil na rin sa dumaan na naman ang isang pasko nang hindi kumpleto ang pamilya namin, nagtatrabaho sa abroad si tatay, pumunta na ng Texas si ‘Ninang’, sumakabilang buhay na si Lolo at si Inang at Amang at magkagalit pa si Lola at Mama. Iniisip ko na lang na hindi ko man sila kasama sa isang lamesa maswerte parin ako kasi kasama ko ang mga kapatid ko at si Mama at masarap pa mga handa namin. Hindi katulad nang mga nasalanta ng bagyo, hindi lang sila nawalan ng tahanan pati mga mahal nila sa buhay kinuha na rin. Sila nga nagpapasko ngayon sa kalsada at evacuation center samantalang ako nagpapaka-sarap sa bahay. Wala akong karapatang magreklamo di ba?! Baligtad lang talaga ang simoy ng pasko ngayon. Bakit kaya ganon?